ROMUALDEZ TAMEME SA BIRADA NI VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

TAHIMIK at wala pang reaksyon si Speaker Martin Romualdez sa mga patutsada ni Vice President Sara Duterte kamakailan na nag-aakusa sa kanila ni Rep. Zaldy Co na kumokontrol sa budget ng pamahalaan.

Matatandaang sa isang panayam ay pinangalanan ni Duterte sina Romualdez at Co na nagmamanipula aniya sa pondo ng gobyerno at ito ay base sa kanyang karanasan.

Mistula ring ibinuking ng bise presidente na may kickback ang ilang taga-Kamara sa mga proyekto sa gobyerno.

Kwento ni Duterte, noong kalihim pa siya ng Department of Education (DepEd) taong 2023 ay may mga lumapit sa kanya na mga miyembro ng Kamara matapos aprubahan ang P5-B pondo para sa classroom construction.

“Nagulat ako may humingi. ‘Ano ba ang- magkano ba ang amin diyan? Magkano ba ang amin diyan?'”

“So, sinabi ko, Hindi pwede ito kasi ang mangyayari nito hindi magagawa ng Department of Education ang trabaho namin na mag-construct ng classroom ayon sa classroom backlog at sa prioritization, base sa backlog at sa classroom construction.”

“Dinagdagan nila ng P10B ‘yung classroom construction ng Department of Education. ‘Yung 10 billion na ‘yun hindi kontrolado ng Department of Education. Controlled ‘yun ni Cong. Zaldy Co at Cong. Martin Romualdez,” ayon pa sa bise presidente.

Ipinaliwanag ni VP Sara na isa sa mga dahilan kung bakit siya nagbitiw bilang Kalihim ng DepEd ay dahil sa pakikialam ng dalawang mambabatas sa budget ng departamento.

“Ang budget ng Pilipinas ay hawak lang ng dalawang tao. Hawak lang siya ni Cong. Zaldy Co at ni Cong. Martin Romualdez. ‘Yan ang katotohanan,” ayon kay VP Sara.

Si Co, House Appropriations Committee chair, ay agad namang sinagot si Duterte at itinanggi ang mga akusasyon nito.

Tinawag pa niyang mambubudol ang Bise Presidente. Mayroon aniyang higit 300 miyembro ng Kamara at 24 na senador ang nagdedesisyon sa taunang pondo ng bayan.

162

Related posts

Leave a Comment