S. COTABATO PINATUTUKAN NG PNP SA ELEKSIYON

south pnp12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINATUTUTUKAN ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde kay Police Regional Office (PRO) 12 Director P/BGen. Eliseo Tam Rasco ang mga hotspots na lugar sa kanilang rehiyon partikular ang South Cotabato.

Ginawa ni Albayalde ang kautusan makaraang pulungin ang mga opisyal ng PRO 12 sa kanilang headquarters sa kanyang pagbisita nitong Huwebes para personal na alamin ang kahandaan nito sa magaganap na eleksyon sa Lunes.

Apat na araw bago ang halalan, gustong matiyak ni Albayalde na hindi makakapanggulo ang mga armadong grupo sa lugar tulad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), mga lokal na teroristang grupo kasama na ang mga private armed groups.

Sinamantala naman ni Rasco ang pagbisita ni Albayalde para iharap dito bago ang pagpupulong ang 29 sumukong mga miyembro na NPA  sa PRO 12 na ikinatuwa naman ng hepe ng pambansang pulisya kasabay ang pagbati sa mga nagbalik-loob at pagtiyak na mabibigyan sila ng tulong mula sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

 

89

Related posts

Leave a Comment