SA AKUSASYONG ‘NEGROS MASSACRE’; PNP: POLICE OPS LEGIT

negros12

(NI JESSE KABEL)

MULING iginiit, Lunes ng hapon, ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na lehitimong police operation ang inilunsad ng mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office.

Ito ay makaraang akusahan sila na ang ginawang pagpatay sa 14 na umanoy sangkot sa iba’t ibang mga kaso ay “Tokhang style” o isang uri ng summary execution sa hanay ng mga  biktima.

Ayon kay PNP spokesperson , Police Colonel Bernard Banac, ang 14 ay napaslang, sa inilunsad na SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation  sa loob ng magdamag, ay mga nanlaban at nangari ito sa magkakahiwalay na lugar  .

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang grupong KARAPATAN – Central Visayas sa pagkamatay ng 14 na umano’y  subject sa isinagawang simultaneous search warrant operations ng PNP egional Office-7 sa Negros Oriental.

Ayon kay Dr. Phobe Sanchez chairperson ng Karapatan, hindi umano makatao ang ginawa ng PNP sa mga subject ng operasyon kung saan karamihan sa mga ito ay mga ordinaryong magsasaka lamang at mga may edad pa.

Ayon pa kay Sanchez  hindi umano katanggap-tanggap sa kanya ang alegasyon na supporters umano ng New People’s Army (NPA) ang mga ito.

Sa pahayag naman ni  Police Brig. Gen. Debold Sinas, sinabi nito na nakatanggap umano sila ng impormasyon na mayroong mga cadres at kasapi ng SPARU ng NPA sa Canlaon City, Sta. Catalina at Manjuyod sa nasabing probinsya.

Pinaghihinalaan din umano ni Sinas ang mga subject na responsable sa pagsasagawa ng mga karahasan at harassment sa mga sakop ng pulisya sa lalawigan noong nakaraang mga buwan kung kaya’t inaplyan nila ito ng search warrant sa kasong illegal possession of firearms.

Nakatanggap rin umano ito ng impormasyon mula sa pamilya ng mga subject na diumanoy planted ang mga armas.

Sinabi rin ni Sanchez na mas mabuting dinala na lang sa korte ang mga subjet upang mapatunayan kung sumuporta ba sila sa NPA o hindi imbes na patayin agad.

 

82

Related posts

Leave a Comment