SAMAR SOLON IDINIIN SA P16.1-M BINILING EMERGENCY KITS

sandigan

(NI JEDI PIA REYES)

NAHAHARAP ngayon sa pagkakapiit ng hanggang 115 taon ang isang kongresista sa Samar matapos na idiin ng Sandiganbayan sa kasong may kinalaman sa pagbili ng P16.1 milyong emergency supplies nang walang public bidding.

Sa ibinabang hatol ng Sandiganbayan 4th Division, pinarurusahan nitong mapiit ng 62 hanggang 115 taong pagkakakulong si Samar 2nd District Rep. Milagrosa Tan dahil sa walong counts ng graft.

Nangyari umano ang katiwalian nuong 2001 kung kailan nakaupo pa bilang gobernadora ang mambabatas.

Natukoy din ng anti-graft court na guilty beyond reasonable doubt ang kapwa mga akusado ni Tan na sina Rolando Montejo at Reynaldo Yabut. Ibinasura naman ng Sandiganbayan ang kaso laban kina Romeo Reales, Maximo Sison, Aurelio Bardaje Jr. at Numeriano Legaspi.

Maliban sa pagkakapiit, nahaharap din sa perpetual disqualification sa ano mang posisyon sa gobyerno si Tan.

Pinagbayad ng P240,000 si Tan gayundin ang iba pang hinatulan para sa kanilang pansamantalang paglaya habang iniaapela ang desisyon ng Sandiganbayan. Bukod pa ito sa P240,000 cash bond na ipinalagak sa mga akusado.

Nilagdaan nina Sandiganbayan Associate Justices Bayani Jacinto, Alex Quiroz at Bernelito Fernandez ang hatol.

 

 

 

10

Related posts

Leave a Comment