(NI KIKO CUETO)
IGINIIT ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na napirmahan na ang kanyang release documents.
Sa panayam sa GMA News, sinabi ni Sanchez na sa katunayan ay hindi na siya kasama sa food rations ng New Bilibid Prison.
“Batch na namin,” sinabi ni Sanchez, kung saan kabilang umano siya sa nakinabang sa Republic Act No. 10592.
“Kasi by batch e. Eh ako’y sa 95 naka-ano. Pirmado na nga lahat e. May release paper na nga ako. Wala na nga akong pagkain dito. Hindi na ko kasama sa rantso,” sinabi nito.
Sa ilalim ng batas, babawasan ang prison terms ng isang preso kung mabait ito.
Ang good conduct time allowances sa ilalim ng Republic Act 10592, na ipinasa noong 2013, ay dapat na pasok lang sa mga tao na nakulong matapos maipasa ang batas.
Pero nitong Hunyo, sinabi ng Korte Suprema na dapat saklaw nito ang mga dating kaso.
Pero ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi sa kanya ni Bureau of Corrections director Nicanor Faeldon na wala siyang pinipirmahang release papers ni Sanchez.
“I have been informed that Bucor chief Faeldon denies having signed a release order for Sanchez. Likewise, no report on such matter has been received by the [Department of Justice],” sinabi ni Guevarra.
142