SCALAWAG COPS TARGET NI AÑO

Secretary Eduardo Año-4

NANGAKO si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na tutugisin ang lahat ng mga tiwaling pulis na sangkot sa korapsyon at malawakang bentahan ng droga  sa bansa.

Sinabi ng kalihim na maibabalik lamang nila ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa Philippine National Police kung mawawalis nilang lahat hanggang sa kahuli-hulihan ang mga police scalawag.

Ayon pa kay Año,  “The PNP is really doing good in its campaign against illegal drugs and criminality. Unfortunately may kaunting sumisira ng imahe at ito ang tatanggalin natin.”

Ginawa ni Año ang pahayag bilang reaksyon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatalaga lamang siya ng permanenteng chief ng PNP kapalit ng nagretirong si General Oscar Albayalde sa sandaling malinis na niya ang pambansang pulisya.

Matatandaan na inatasan ng Pangulo si Año para pangasiwaan ang PNP sa paniwalang matutulungan siya nito para linisin ang buong hanay ng kapulisan, kasunod ang pagtiyak na mabibigyan ng due process ang mga scalawag na sangkot sa illegal drug trade at corruption habang mananatili pa rin namang Officer in Charge si P/Lt. Gen. Archie Gamboa.

Inutusan din ng kalihim ang PNP na piliin lamang ang mga pinakamagagaling sa hanay ng mga aplikante para punuan ang may 17,000 bakanteng posisyon sa kanilang hanay.

Dapat siguruhin umano ng PNP ang maayos na recruitment at hiring process para matiyak na tanging ang mga mentally at physically fit na mga gustong magpulis ang kanilang matatanggap.

“The cleansing program should already begin in the hiring.  It will save the police organization from a lot of headaches later on if we do the hiring and recruitment process properly and seriously,” paliwanag ni Año. (Nick Echevarria)

235

Related posts

Leave a Comment