SENADO BINAKBAKAN NI DU30: MAYORYA WALANG ‘K’

duterte15

(NI BETH JULIAN)

BUMANAT muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakapuwesto ngayon sa Senado matapos diretsahang sabihin na karamihan sa mga senador ay hindi nararapat sa puwesto.

Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City, sinabi nito na mayorya sa mga senador ngayon ay walang karapatan sa puwesto kung saan tinumbok nito na isang babaeng senador ang ‘walang utak’ at sarcastic.

“Diyan sa Senado… there are a lot of those there who should not be there…And there is one lady who is eternally sarcastic. Wala namang utak,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na madalas at todo pa ang batikos ng babaeng senador nang hindi kumukonsulta muna sa kanyang abogado bago bumanat.

“Puro blunder ang ginagawa ng babaeng senador na yan. Nagmamarunong at aktibista ang senadorang yan, puro ingay lang naman ang ginagawa,” sabi pa ng Pangulo.

Gayunman hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sino ang babaeng senador.

209

Related posts

Leave a Comment