NANAGINIP; I WON! — BRONER

broner

(NI VIRGI T. ROMANO, SAKSI Sports Editor)

LAS VEGAS — TILA nananaginip naman itong si Adrien Broner sa paniwalang tinalo niya si Manny Pacquiao sa kanilang 12-round WBA welterweight match.

Nang tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng 12th round, kumpiyansang itinaas ni Broner ang kanyang kamay sa paniniwalang siya ang nanalo sa laban at nagawa pang sumampa sa lubid na nakapaligid sa ring, habang bino-boo ng mga tao.

“I beat him, everybody out there knows I beat him,” deklara ni Broner. “I clearly won the last seven rounds.”

Si Broner, 11 taong mas bata kay Pacquiao, ay hindi kinakitaan ng pagka-agresibo sa kabuuan ng 12 rounds.

Maging ang pahayag nitong gagawin niya kung ano ang ginawa ni Juan Manuel Marquez kay Pacquiao noong 2012, ay ni walang anino.

Sa halip, ang 40-anyos na si Pacquiao ang nagpakita ng aggressiveness sa laban.

6

Related posts

Leave a Comment