(NI BERNARD TAGUINOD)
RESPONSIBILIDAD ng mga senador na ipaliwanag kung saan itinago ng mga ito ang bilyung-bilyong piso na kinuha ng sa iba’t ibang ahensya tulad ng pondo para sa mga scholars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ginawa ni House majority leader Fred Castro ang pahayag sa gitna ng bangayan ng mga ito sa 2019 national budget dahil hindi umano biro ang pondo na ayaw isiwalat ng mga senador kung saan nila dinala.
“The senators need to explain where they put the P2.5 billion they took from the Greening Project. The P3 billion they removed from TESDA scholarship,” ani Castro dahil ang apektado dito ay ang kinabukasan ng mga kabataan na hindi makakapag-aral sa TESDA.
Bukod dito, tungkulin din umano ng mga senador ang P11 Billion na kinuha ng mga ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakalaan sa right of way para sa build-build-build program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Wala din umanong ideya kung saan dinala ng mga senador ang P2.5 billion pondo para sa mga foreign assisted projects kaya ito ang mga dapat ipaliwanag umano ng mga senador sa taumbayan.
Nag-ugat ang bangayan ng liderato ng Kamara at Senado sa national budget sa pag-itemize ng mga kongresista sa P79 Billion na lumpsum sa national budget habang ang mga senador ay mayroong umanong P74 Billion na ayaw idetalye ng mga senador kung saan nila gagagamit.
“Why are the senators so afraid of line-item budgeting, with itemized programs and projects writtten in the national budget for all the people to see? The House position is clear: we want a budget with the hallmarks of transparency and accountability.
Kailangang alam ng ating taxpayers kung saan napupunta ang buwis nila para mabantayan nila ang mga programa at proyektong pinondohan sakaling mapirmahan na ng Pangulo ang national budget,” ani House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr.
143