SGMA: MY AGENDA IS THE PRESIDENT’S AGENDA

gma

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAMIN ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na siya mismo ang nangunguna sa pagpapatibay sa panukalang ibaba ang criminal responsibility ng mga batang nagkakasala sa batas sa 9- anyos dahil priority agenda ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The President wants it,” ani Arroyo sa ambush interview kaya kailangang una siyang sumuporta sa House Bill 8858 o ibaba sa 9 anyos criminal responsibility mula sa kasalukuyang 15 anyos.

Magugunita na personal na binantayan ni Arroyo ang pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon noong Lunes kung saan sa loob lamang ng 22 minuto ay inaprubahan sa committee level ang nasabing panukala.

“From the beginning,  my agenda is the President’s agenda,” ani Arroyo subalit hindi umano ito magdidikta kung kailan kailangang tapusin ang floor deliberation sa nasabing panukala at kung kailan dapat maipasa.

Itinanggi naman ni Leachon na ant-poor at malupit ang nasabing panukala at sa halip at pro-children umano ito dahil tutulungan ang mga batang nagkakasala sa batas na magbago upang maging mabuting mamamayan paglaki.

 

8

Related posts

Leave a Comment