SIBAKAN NA NAMAN SA GABINETE

malacanang

(NI LILIBETH JULIAN)

INAASAHAN pa ang mga serye ng sibakan sa mga opisyal na nakapuwesto sa gobyerno.

Ito ang mahigpit na ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na mananatiling pasaway sa pamamagitan ng pananamantala habang nakapuwesto.

Makailang ulit nang ipinaalala ng Pangulo na may kalalagyan ang mga itinalaga niyang mga opisyal ng gobyerno na mababahiran ng dungis ng katiwalian o masangkot sa iregularidad ang kanilang pangalan.

Sinabi ng Pangulo na asahan na marami pa ang mga nakalinyang sisibakin sa puwesto kung hindi titino ang mga ito.

Partikular na pinapatungkol ng Pangulo ang babala sa mga nasa Executive department.

“Kaya dapat magtino-tino sila hindi sila makalulusot sakin, sibak agad sila,”  wika ng Panngulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi nito kailanman masisikmura ang corruption kaya kahit pa kaibigan nito ang masangkot ay hindi lulusot sa kanya at hindi niya kto sasantuhin.

14

Related posts

Leave a Comment