SIMBAHAN NAGDARASAL NG ULAN PARA SA WATER SHORTAGE

igib123

(NI HARVEY PEREZ)

ORATIO Imperata, isinama sa panalangin sa banal na misa.

Isinama nitong Linggo sa ginanap na lingguhang banal na misa ang panalangin Oratio Imperata para sa kahilingan na ulan, kasunod ng dinanas na kakulangan sa supply sa tubig ng mga residente sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal Province.

“Ang dasal natin sa gitna ng nararanasang krisis ngayon sa tubig ay umulan para maibsan ang nararanasan ng marami na paghihirap dahil mahalaga ang tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay,” bahagi ng Oratio Imperata .

Ayon kay Fr. Aris Sison ng St. Pope John Paul the Second sa Bagumbayan, Quezon City, maging siya ay nagtitimba na para may ipon na tubig dahil mahirap mawalan ng tubig.

Hinimok din ni Sison ang publiko na magtipid sa tubig dahil ang nangyaring kakapusan sa tubig ay dapat na magsilbing babala sa publiko.

Matatandaan na nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagbasa ng panalangin para sa ulan ngayong Linggo ng banal na misa.

Ang Oratio Imperata ay iniutos ng Simbahan Katoliko kapag magkakaroon ng mga kalamidad sa bansa.

196

Related posts

Leave a Comment