(NI NOEL ABUEL)
PIPILITIN ng isang senador na maihabol bago matapos ang 17th Congress ang panukalang pagdaragdag sa buwis sa sin tax partikular sa sigarilyo.
Ayon kay Senador Win Gatchalian hihilingin nito sa mga kapwa mambabatas na talakayin sa lalong madaling panahon ang pagpapataw ng dagdag na ₱70 buwis sa kada pakete ng sigarilyo upang maawat ang maraming Filipino na bumili ng sigarilyo maliban pa sa ang makokolektang buwis ay makadaragdag sa pondo na magagamit sa universal health care program.
Kumpiyansa ang senador na maipapasa sa huli at ikatlong pagbasa ang Senate Bill No. 2177 bago matapos ang 17th Congress sa Hunyo 7.
“The remaining nine session days actually represent our best opportunity to pass this bill,” he said. “First, the Department of Health (DoH) openly supports this bill. The Department of Finance (DoF) is also very supportive. A similar bill has been passed in the Lower House, (although) it is not the tax rate that we want to achieve,” sabi pa ni Gatchalian.
Sa sandaling maipasa ang panukala, aabot sa ₱79.03 hanggang ₱114.03 ang presyo ng kasa pakete ng sigarilyo.
“My argument is really from a governance standpoint, and I think dapat slowly mapababa ‘yung naninigarilyo para hindi tayo gastos nang gastos at para hindi paikot-ikot lang ‘yung ating pinaggagastusan, dahil dumarami rin ‘yung gumagamit ng sigarilyo,” paliwanag pa ni Gatchalian.
135