SINGIL SA KURYENTE BABABA NGAYONG SEPT

meralco12

(NI MAC CABREROS)

SA ikalimang sunod na buwan, muling tinapyasan ng Manila Electric Company (Meralco) ang singil nila sa kuryente.

Inianunsyo ngayon ng Meralco na nabawasan ng P0.5260 kada kilowatthour ang singil nila ngayong Septiyembre upang mailista sa P9.0414 kada kWh mula sa P9.5674 kada kWh nitong Agosto.

Abot na ngayon sa P1.52 kada kWh ang nabawas sa monthly bill simula Abril, ayon sa Meralco.

Inihayag pa ng Meralco na nagdulot sa bawas singil ang mababang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM saan nabawasan ng P3.6503 gayundin ang pagbaba sa generation charge kung saan natapyasan
ng P0.4429 kada kWh ang dating P4.9620.

Nakapagdulot din sa pagbulusok sa singil sa kuryente ang mababang presyo ng kuryente mula sa power supply agreements na P0.1522 dahil sa mababang presyo ng produktong petrolyo, dagdag Meralco.

Bagama’t bahagyang tumaas sa P0.0056 kada kWh ang transmission charge, na-offset naman ito sa bumabang bayarin gaya sa buwis na nailista sa P0.0886 per kWh, paliwanag pa ng Meralco.

 

119

Related posts

Leave a Comment