SINIBAK NA OPISYAL BALIK MULI SA GOBYERNO

dole

MATAPOS sibakin tatlong buwan ang nakalilipas, balik na sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating labor undersecretary Joel Maglunsod sa bago niyang posisyon.

Itinalaga ng Pangulo si Maglunsod bilang executive director sa National Maritime Polytechnic (NMP), ayon sa appointment papers na nilagdaan noong Enero 25 at inilabas sa publiko, Lunes ng hapon.

Ang NMP ang maritime training center sa ilalim ng Department of Labor and Employment na nagsasanay sa mga seafarers kabilang ang merchant marine officers, ayon sa kalidad ng international maritime education.

Si Maglunsod ay sinibak sa puwesto dahil umano sa pagkiling sa mga grupong makakaliwa. Iyun din ang panahon na kinondena ng Pangulo ang grupo dahil sa sunud-sunod na pag-atake sa tropa ng militar sa gitna ng kahilingan na magkaroon ng usapang pangkapayapaan.

5

Related posts

Leave a Comment