3 LUGAR NAKARARANAS NA NG TAGTUYOT

tuyot

(NI ABBY MENDOZA)

DALA ng kawalan ng sapat na ulan mula buwan ng Setyembre hanggang Enero, tatlong  lugar na sa bansa ang nakakaranas ng drought o tagtuyot habang ilang lugar sa Mindanao ang nakakaranas ng dry spell at dry condition.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) walang El Nino Phenomenon na nararanasan ang bansa sa kasalukuyan at ang maagang tagtuyot ay resulta ng kakulangan sa naranasang ulan sa mga nakalipas na buwan.

Sa ngayon umano ay nakakaranas ng drought ang Ilocos Norte, Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Nasa dry spell o kawalan ng sapat na ulan sa nakalipas na dalawang buwan ang Zamboaga del Sur, Zamboaga Sibugay, Bukidnon, Basilan,Maguindanao at Sulu.

Dry condition o mababang ulan sa nakalipas na dalawang buwan ang umiiral sa Tawi Tawi at Misamis Occidental. Ayon sa Pagasa may 33 pang lugar sa bansa ang makakaranas ng ganitong weather condition pagsapit ng huling linggo ng buwan ng Marso hanggang pagsapit ng buwan ng Abril.

856

Related posts

Leave a Comment