OIL PRICE HIKE BUBULAGA BUKAS

oil

(NI ROSE G. PULGAR/PHOTO RAFAEL TABOY)

NAGPATUPAD ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo bukas ng umaga (Enero 29).

Pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines ,Pilipinas Shell, Eastern Petroleum, Total Philippines at Petro Gazz ang pagpapalabas ng abiso na may dagdag presyo na P0.20 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro ng diesel, at P0.40 kada litro sa kerosene epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahang susunod naman ang ilan pang malalaking kompanya ng langis na kabilang sa tinaguriang Big 3 oil companies sa bansa tulad ng Petron Corporation at Caltex gayundin ang mga malilit na oil companies sa bansa na magpatupad ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Ito na ang ika-apat na sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na ikinababahala ng mga motorista lalo na ang mga pampublikong sasakyan.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.10 kada litro ng gasolina, P0.40 kada litro ng diesel, at P0.15 kada litro sa kerosene.

277

Related posts

Leave a Comment