SOGIE BILL ‘DI IPAPASA DAHIL LANG SA ‘TRANS WOMAN CR INCIDENT’

(NI ABBY MENDOZA)

IGINIIT ni CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva na hindi dapat gamitin ang insidente sa pagitan ng transgender na si Gretchen Diez at ng isang janitress sa isang mall sa Quezon City para madaliin ang pagpapasa ng Sexual Orientation and Gender and Identity Expression (SOGIE) Bill sa Kongreso.

Sa privilege speech sa Kamara ni Villanueva, sinabi nito na inihain nIya ang House Resolution 270 para ipatawag ang iba pang mga indibidwal na nasangkot sa insidente,  kabilang ang janitresss na si Honeyle Joy Balili at security guard na si Meriegen Mauro at ang mga kinatawan ng Farmers Plaza, upang maging patas at maririnig ang kabuuan ng kuwento hindi gaya ng nangyayari na ang ang nag-iingay lamang ay si Diez.

Giit ng mambabatas, kung mayroong matutukoy na batayan para masabing may krimeng naganap ay tama lang na ipursige ang kaso ngunit hindi dapat gamitin ang nasabing insidente upang pagtibayin ang SOGIE bill.

TInukoy ni  Villanueva ang mga dahilan kung bakit tutol sya sa may 13 SOGIE bills na nakabMnbin sa Kamara,  una ay binabalewala nito ang papel ng mga magulang o ng pamilya, sampu umano sa kaso sa SOGIE bills ang gusto pang humingi ng family court order kung nais nilang maisalang sa medical o psychological examination ang kanilang anak kaugnay sa SOGIE.

Ikalawa ay banta ito sa academic freedom, paano umano  kung may all-boys school na magsipa ng transgender at ang all-girls school ay tanggalin din ang transwoman.

Ikatlo ay banta sa kalayaan sa pamamahayag at relihiyon, aniya nakasaad sa mga panukala na parurusahan anumang pahayag na nakaka-discriminate sa LGBT community na mangangahulugan na sa tuwing maghahayag ng paniniwala batay sa relihiyon na kontra sa homosexuals o heterosexuals ay puwedeng maparusahan.

Ikaapat ay nakukuwestyon nito ang pundasyon ng mga batas sa Pilipinas, malinaw na umano sa mga umiiral na batas ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng lahat at may kaakibat na parusa sa paglabag, kung gagawa pa umano ng bagong batas para paboran ang LGBT community, matatawag itong class legislation o batas ng may kinikilingang karapatan.

Nangangamba si Villanueva na sa halip na equality o pagkakapantay-pantay para sa lahat ay ‘special rights’ ang maibibigay sa ilalim ng SOGIE Bill at maisasakripisyo ang karapatan ng nakakarami.

Aminado si Villanueva na nakikita niya ang SOGIE bill na puno ng legal na kahinaan at maraming tanong na hindi masagot tungkol sa social acceptability at feasibility kaya hindi siya papayag na maipasa ito nang walang masusing diskusyon dito para malinawan ang lahat.

 

 

212

Related posts

Leave a Comment