SOLON: BBM HUGAS-KAMAY SA DELUBYONG ‘KRISTINE’

HINDI matanggap ng kinatawan ng mga kabataan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paghuhugas-kamay at pagpapalusot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para iwasan ang pananagutan sa delubyong sinapit ng Bicol region at Batangas nang manalasa ang Bagyong Kristine.

Ayon kay Rep. Raoul Manuel, dapat akuin ni Marcos Jr., ang responsibilidad sa halip na isisi ang sinapit ng mga taga-Bicol Region, Batangas at Cavite sa climate change at sa kabiguan ng

Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na i-report kung gaano karami ang ulan na ibubuhos ng bagyo.

“Stop gaslighting Filipinos! Noong bagyong Carina sinisi niya ang baha sa pagkakalat ng basura ng mahihirap, ngayon sisisihin niya ang mga siyentista kasi di raw nakapag-forecast nang maayos o ang climate change mismo,” ani Kabataan party-list spokesperson Atty. Renee Co.

“Dapat ba predicted lahat bago gumalaw ang namumuno? Ang realidad ay hindi naging handa at di maagap na kumilos ang pambansang gobyerno para tulungan ang mga nasalanta. Huwag niyang ipamukha na wala na tayong magagawa, kasi merong magagawa,” dagdag pa nito.

Nilinaw ni Co na hindi God-given ang kalamidad na ito kundi man-made subalit nagbubulag-bulagan aniya si Marcos.

Ganito rin ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa Kamara na dismayado dahil imbes akuin ni Marcos ay tila umiiwas ito sa pananagutan.

“Huwag nating tanggapin ang sinasabi ng gobyerno na ito raw ay ‘natural na kalamidad’ lamang, at wala tayong magagawa kundi antayin na umalis ang bagyo dahil ‘yan ang katotohanan,” ani Sarah Elago ng nasabing grupo. (BERNARD TAGUINOD)

51

Related posts

Leave a Comment