(NI BERNARD TAGUINOD)
“Sa korte na lang siya (Diokno) magpaliwanag.”
Sagot ito ni House House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., sa alegasyon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na hindi siya ang nagsimula ng early bidding sa mga government projects dahil noong 2009 ay ginagawa na umano ito ng ahensya.
“There is no truth to that allegation. It’s fake news,” ani Andaya na siyang Kahilim ng DBM noong si House Speaker Gloria Macagagal Arroyo ay pangulo ng bansa.
Ayon kay Andaya, noong panahon aniya nito sa DBM, hindi nila umano ginagawa ang early bidding dahil inaantay muna aniya ng mga ito na mapirmahan ng Pangulo ang Genera Appropriations Act (GAA) o national budget.
“Unlike today when biddings for projects conducted months before the signing of the national budget, prior to the passage of the law authorizing said expenditures, are the norm,” ayon kay Andaya.
231