SOLON NANGHIHINAYANG SA P38-B GAGASTUSIN SA ROTC

rotc12

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGHIHINAYANG ang isang militanteng mambabatas sa P38 bilyon na gagastusin ng taumbayan sa Reserved Officer Training Corps (ROTC) na gustong ibalik ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, napakalaking gastos ito imbes na gamitin para pondohan ang iba pang programang pang-edukasyon ng mga kabataan.

“P38 billion can be used to restore the nearly 21 billion budget cut from the Department of Education’s 2020 fund for new school personnel, books, and equipment. It can also be used to supplement the budget for free tuition and enable more youth to finish college,” ani Elago.

Nagtataka ang mambabatas kung bakit ganito aniya ang tinataya ng Senado na gagastusin kapag tuluyang pinagtibay ang batas na ibalik ang ROTC at iimplementa na ito kaya dapat aniyang maipaliwanag ito sa taumbayan dahil sa kanila kukunin ang nasabing pondo.

RESERVED OFFICERS MILYON NA ANG BILANG

Kinontra din ng mambabatas ang depensa ng mga nagsusulong na ibalik ang ROTC na kailangan ng bansa ang mga reserved officers dahil mula 2002 hanggang 2012 aniya ay umaabot sa 1.4 million ang nagtapos sa ROTC.

Hindi rin umano totoo na maraming estudyante ang gustong maibalik ang ROTC.

Dahil  sa kasalukuyang batas, nananatili pa rin ang ROTC subalit hindi na lang ito mandatory

“CHED (Comission on Higher Education) data from 2002 to 2012 shows that the overwhelming majority of students chose the Civic Welfare Training Service (CWTS) option, with over 10.6 million graduates. ROTC, on the other hand, only had 1.4 million finishers,” ani Elago.

“That is not a majority by any measure. If the youth really wanted ROTC, then the program would have more enrollees. It’s as simple as that,” dagdag pa ng mambabatas.

 

30

Related posts

Leave a Comment