SONA NI DU30 AABUTIN NG 50-MINUTO

DUTERTE66

(NI BETH JULIAN)

POSIBLENG abutin lamang ng halos isang oras ang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung susundin nito ang State of the Nation Address (SONA) script.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar kung saan  ngayong Biyernes ay inianusyo na nagkaroon ng Presidential briefing ganap na alas-4:00 ng hapon sa Malacanang.

Ang briefing ay bahagi ng ginagawang paghahanda sa SONA ng Pangulo sa Lunes.

Ayon kay Andanar, kung walang gagamiting adlib o hindi lilihis ang Pangulo sa kanyang nakahaing speech ay maaring tumagal lamang ng hanggang mula 45 hanggang 50 minuto ang kanyang ulat.

Gayunman, sinabi ni Andanar na kilala ang Pangulo na madalas na naga-adlib o pinuputol ang pagbabasa ng prepared script at magsasalita ng nais nitong sabihin na mula sa kanyang puso.

Kapag ganoon ang mangyari ay asahan nang lalagpas sa tantyang oras ang magiging ulat sa bansa ng Pangulo.

Kabilang sa briefing ang blocking ng Pangulo sa Kongreso.

Nakapaloob sa ulat ng Pangulo ang mga plano nito tungkol sa peace and security, poverty alleviation at Build, Build, Build program.

Kabilang sa mga dumalo sa Presidential briefing sina Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mga taga RTVM, Office of the President, Office of the Special Assistant to the President at Presidential Management Staff.

 

142

Related posts

Leave a Comment