STL BALIK-OPERASYON NA

(NI ABBY MENDOZA)

BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan.

Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO)

Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte  matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board.

“Pursuant to the recommendation of PCSO, the President lifted the suspension of STL. Authorized Agents Corporations (AACs) that  are compliant with the conditions of their STL agency agreement and have been remitting its guarantee minimum monthly retail receipts may now operate,” pahayag ni Garma.

Ayon kay Garma papayagan ang mga AACs na bumalik sa kanilanhg operasyon sa ilalim ng bagong kondisyon at kabilang na dito ang pagdedeposito ng cash bond na katumbas ng 3 buwan ng PCSO share sa guarateed minimum monthly retaul receipt, ang hinihinging 3 buwang cash bond ay bukod pa sa nauna nang cash bond na hiningi ng PCSO nang ang mga ito ay mag apply ng franchise.

Ikalawa sa kondisyon ay ang awtomatiko nang forfeited ang cash bond pabor sa PCSO kung hindi makakatalima ang mga AACs sa pagreremit.

Ikatlo ay kailangan na magsagawa ng written undertaking ang mga AACs na susunud ito sa mga kondisyon na inilatag ng ahensya at hindi ito maghahain ng anumang claims, monetary man o hindi at hindi ito maghahain ng anumang legal remedies sa korte gaya ng paghingi ng Temporary Restraining Order o Injunction na pipigil sa ahensya na ipatupad ang kanilang karapatan laban sa mga AACs.

Ikaapat, awtomatiko nang terminated ang kasunduan sa pagitan ng AACs at PCSO kung magkakaroon ng paglabag sa kanilang frachise agreement gayundin sa bagong kondisyon.

‘The foregoing conditions shall be applied to other AACs that may be allowed to resume operations”pahayag ni Garma.

Aniya, kailangan din na sumunod ang mga operators sa bagong  STL agency agreements at gayundin sa bagong STL implementing and regulations na kanilang nakatakdang ipalabas.

 

190

Related posts

Leave a Comment