SUGAR SMUGGLING NAGING LEGAL SA KADIWA NI BBM

(BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG naging normal at lehitimo ang sugar smuggling sa ilalim ng administrasyon ni Pangulo at Department of Agriculture (DA) Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcoss Jr.
Ito ang tinuran ng Kabataan party-list matapos ibenta sa mga Kadiwa Center ni Marcos ang smuggled sugar na kinumpiska ng gobyerno.

Ayon sa grupo ni Rep. Raoul Manuel, ibinebenta sa mga Kadiwa Center ang may 4,000 metric tons na asukal na inismuggle mula Thailand sa halagang P70 kada kilo kaya inaasahan na kikita rito ang gobyerno ng tumataginting na P280 million.

“Hinuli nga ng gobyerno ang smuggled sugar, pero wala rin itong saysay kung ibebenta sa Kadiwa stores dahil nile-legitimize and normalize lamang ang sugar smuggling,” pahayag ni Kabataan Partylist Vice President for Visayas Jose Paolo Echavez.

“Plus points na naman sa kanila para masabing “bumaba” and presyo ng asukal, pero ang kawawa dito ay mga local sugar producers na hindi kakayanin makipag-compete sa napakaraming smuggled sugar na mura ang halaga,” dagdag pa ni Echavez.

Hindi aniya ito makatarungan sa taumbayan lalo na sa mga magsasaka na nagtatrabaho nang marangal sa bukid at sa mga sugar mill.

“Pumoposturang anti-smuggling ang gobyerno pero sa realidad, sponsor pa pala sila ng smuggling,” dagdag pa ni Echavez dahil imbes ipamigay ang mga asukal bilang ayuda sa mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad o kaya iimbak bilang buffer stock ay ibinebenta ito sa Kadiwas centers.

Nangangamba ang grupo ni Manuel na kapag nagpatuloy ang ganitong gawain ng gobyerno ay lalong lalala ang smuggling activities sa bansa na magpapalugmok pa sa mga lokal na magsasaka.

190

Related posts

Leave a Comment