SUMMER JOB PARA SA MGA ESTUDYANTE BUBUKSAN NG DOLE

JOB2

(NI JESSE KABEL)

PARA maagang  magkaroon ng work experience at maranasang kumita sa pagtatrabaho, hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga mag-aaral na mag apply ng summer job.

Sa panawagan ng DOLE, hinihikayat ang libu-libong mag aaral mula sa senior high school at mga college levels na mag-apply para sa  summer job ngayong bakasyon.

Ayon sa impormasyong ibinabahagi  ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay, maaaring mag-apply ng trabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES),  isang employment program para sa mga estudyante sa high school technical o vocational at kolehiyo.

Magsisimula ang programa sa buwan ng Abril at tatagal ang employment nang 20 hanggang 52 araw.

Ayon kay Tutay, makatutulong ang summer job para maagang magkaroon ng karanasan sa trabaho ang mga estudyante.

Kinakailangan ng mga  nais mag-apply, na  bumisita sa pinakamalapit na Public Employment Service Office (PESO) at magdala ng kopya ng NSO birth certificate, pinakahuling report card, 2×2 ID picture at certificate of indigence mula sa kanilang barangay offices.

 

85

Related posts

Leave a Comment