SUNUD-SUNOD NA OIL PRICE HIKE PINALAGAN NA

oil price hike

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

NAKASASAKIT na ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kaya nangalampag na ang mga militanteng grupo sa gobyerno dahil tiyak na magkakaroon na ito ng epekto sa mga pangunahing bilihin lalo na sa pagkain.

Ginawa ng mga kinatawan ng Gabriela party-list group ang pangangalampag dahil sa ika-7 linggo ay magpapatupad ng panibagong oil price hikes ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.

“Masakit ito sa bulsa ng mga nanay at kanilang mga pamilya lalo pa’t tiyak na magdudulot ito sa pagmamahal ng mga pangunahing bilihin at serbisyo,” said Gabriela Rep. Arlene Brosas.

Ngayong Martes ay muling magmamahal ng  P0.65-P0.75  kada litro ang gasolina habang P0.05-P0.15 ang diesel at kerosene.

Dahil sa panibagong pagtaas na ito ng mga produktong petrolyo, umaabot na sa P8.34 ang bawat litro ng gasolina mula noong Enero 2019 habang P6.89 kada litro naman ng diesel.

Malaking problema aniya ito sa mga magulang na hindi tumataas ang sahod lalo na’t nag-iipon ang mga ito para sa tuition fees ng kanilang mga anak sa susunod na enrollment.

139

Related posts

Leave a Comment