ANOTHER MOVIE FOR EMPOY AND ALESSANDRA

alex123

MATAPOS  ang 2017 movie na Kita Kita na tumabo nang husto sa takilya at itinuturing na “biggest box office independent film of all time,” magbabalik-tambalan muli ang dalawang bida rito na sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Ang bagong pelikula ng dalawa ay ididirek din ng Kita Kita director na si Sigrid Andrea Bernardo, under ulit sa  Spring Films nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at talent manager na si Erickson Raymundo. Last year, nagkaroon naman ng rom-com TV series ang dalawa, ang “Since I Found You” na tinampukan din nina Piolo Pascual at Arci Munoz.

203

Related posts

Leave a Comment