(NI JESSE KABEL)
UMAABOT sa 11.1 milyong pamilyang Pilipino o kalahati ng populasyon ng bansa ang nagsasabing sila ay mahirap, base sa inilabas na pag-aaral ng Social Weather Station (SWS), ngayong Sabado.
Isinagawa ang survey ilang araw bago ang ikaapat na State of the Nation Adress (SONA) ni Pangulong Duterte.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ng SWS para sa second quarter ng taon, nasa 45% o umaabot sa 11.1 milyon na pamilya ang kinokonsidera ang sarili bilang mahirap.
Mataas ito ng pitong punto kumpara sa record-low na 38 percent o 9.5 milyon Filipino families na naitala noong buwan ng Marso o unang quarter.
Ang survey ay ginawa noong June 22 hanggang 26 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 na respondents sa buong bansa.
Tumaas din ang bilang ng pamilya na “food poor” na nasa 35% o katumbas ng 8.5 milyon na pamilya.
Mas mataas din ito sa record-low na 27% na naitala noong Marso.
Bunsod nito lumobo ang bilang ng mga Pinoy na nakararanas ng gutom o kakulangan ng pagkain.
256