NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mahihinang pagbuga ng abo mula sa bulkang Taal sa Batangas sa magdamag.
Batay sa latest update ng Phivolcs, umabot sa 100 hanggang 200 metro ang taas ng ibinubugang “sulfur-dioxide” ng bulkan kung saan naiihip ito ng hangin patungong timog-kanluran.
Nasa 58 tonelada ng usok ang ibinubuga ng Taal kada araw at nasa 65 volcanic earthquakes din ang naitala rito.
Nasa 58 tonelada ng usok ang ibinubuga ng Taal kada araw at nasa 65 volcanic earthquakes din ang naitala dito.
Nananatiling nasa alert level 2 ang pag-aalburoto ng Taal Volcano mula noong Pebrero 14, mahigit isang buwan na mula nang unang sumabog ito noong Enero 12, 2020.
“Phivolcs reminds the public that at Alert Level 2, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island and along its coast,” babala ng Philvolcs.
Samantala, pinaalalahanan ng DOST- Phivolcs ang publiko na huwag maging kampante dahil aktibo pa rin sa mga aktibidad ang bulkan.
Bawal na ring bumalik sa Permanent Danger Zone. JG TUMBADO, CYRILL QUILO
165