TAKEOVER NG CHINA SA HANJIN IKINABAHALA

hanjin

(NI BERNARD TAGUINOD)

LALONG malalagay sa panganib ang seguridad ng Pilipinas sa China kapag pinayagan ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na itake-over ng Chinese company ang nabangkaroteng kumpanya ng Hanjin.

Ito ang ibinabala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos makarating sa kanyang kaalaman na mayroong dalawang Chinese shipbuilding firms ang interesado sa Hanjin.

Magugunita na nagdeklara ang Hanjin Philippine ng bankruptcy kaya nagkukumahog ang mga bangkong pinagkakautangan ng nasabing kumpanya at agad na nagkainteres umano dito ang dalawang Chinese company.

“Hanjin is the largest Philippine shipyard which is located in Subic. The Chinese takeover of Hanjin then allows unlimited access to a highly strategic naval and maritime asset of the country. This may have repercussions on our national security,” ani Alejano.

Maging si dating Philippine Navy Chief Vice Admiral Alexander Pama ay naaalarma umano sa nasabing ulat dahil importante umano sa China ang lokasyon ng Subic sa kanilang ilegal pa nananakop sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea partikular na ang Scarborough shoal sa Zambales.

“I share the sentiments of Vice Admiral Pama. The Hanjin shipyard in Subic is facing the West Philippine Sea which could provide China easier access in our territory,” ayon pa kay Alejano dahil maaaring gamitin umano ng Chinese troops ang lugar na ito par sa kanilang resupply mission at magamit din s akanilang intelligence gathering.

Nangangamba na posibleng maging naval base din ng China ang Subic kapag nagkataon kaya kailangang mapigilan umano ang nasabing bansa na makuha ang Hanjin.

“Kung iyon ngang mga isla na pagmamay-ari natin ay ilegal na nakuha ng China, paano pa kaya ang magiging kapalaran ng Subic kung papahintulutan natin ang pagkontrol nila ng Hanjin shipyard? Subic could end up being a naval base of China sharing the same area with our Philippine Navy,” ayon pa kay Alejano na dating Marine captain.

 

 

 

13

Related posts

Leave a Comment