TAMBUNTING: GALING SA ‘CORPORATE’ SANA ANG IPALIT KAY BALUTAN

BAL12

NANINIWALA si House Games and Amusement Committee chair Gus Tambunting na mas makabuuti para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi isang retiradong opisyal ng military ang uupo kapalit ng nagbitiw na si dating general manager Alexander Balutan.

Sinabi ni Tambunting mas makabubuti umano kung may background sa corporate world ang ipapalit kay Balutan upang higit na maipatupad ang tungkulin.

Gayong kinikilala umano ni Tambunting ang naiambag ni Balutan sa ahensiya, mas mabuti umano na marunong sa pamamalakad ng ahensiya ang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinaboran din ni Tambunting ang balak na pagbalasa sa mga nakaupong board members sa PCSO dahil na rin sa iba’t ibang usapin na nireresolba hanggang ngayon.

Kabilang umano rito ang ilang bilyong hindi nakokolekta ng PCSO mula sa mga awtorisadong agents ng small town lottery noong 2017 na malaking tulong sana sa mahihirap.

 

 

 

78

Related posts

Leave a Comment