TAX NG PCSO PINAAALIS PARA SA CHARITY

pcso12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAS malaki ang binabayarang buwis ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang charity funds na ipinantutulong ng ahensya sa mga may sakit.

Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on appropriation kaya’t iminungkahi ng ilang mambabatas na ilibre na sa buwis ang ahensya upang lumaki ang pondo na itutulong sa mga nangangailangan.

Sinabi ni PCSO general manager Royina Garman na noong 2018, umaabot sa P16.7 Billion ang binayarang buwis ng kanilang ahensya habang P9 Billion lamang ang nailaan sa charity funds.

“I think it would be best if we will be exempted from taxation,” ani Garma na inayunan ni Albay Rep. Edcel Lagman subalit kailangan umanong ilaan sa charity ang matitipid sa buwis.

Ayon kay Lagman, ang pangunahing tungkulin aniya ng PCSO ay tumulong sa mga mahihirap na pasyente kaya nararapat lamang na lakihan ang pondo sa charity at magagawa ito kung malilibre sa buwis ang ahensya.

“I could agree with you that there is need to rationalize your tax obligations because your charity which is the main function,” pahayag ni Lagman.

 

137

Related posts

Leave a Comment