TESDA MAGBIBIGAY NG KURSO SA REAL ESTATE

tesda123

(NI MAC CABREROS)

GAGAWIN nang professional ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga salesperson.

Ayon TESDA Director General, Secretary Isidro Lapeña, inilabas nila ang bagong training regulations na nagtatakda ng mga patakaran at panuntunan na susundin ng real estate service provider upang maging de kalidad ang kanilang salesperson.

“There are times when we get approached by real estate salespersons offering us properties and we do not know whether they are really knowledgeable with what they offer or the offer is even legitimate,” sabi Sec. Lapeña.

Binanggit ng kalihim na nabuo ang bagong TR sa tulong ng Philippine Association of Real Estate Boards, Inc. (PAREB) alinsunod na rin sa Republic Act 9646 o Real Estate Service Act of the Philippines na nagtakdang dapat de kalidad at globally competitive ang mga salesperson.

Sa datos noong Oktubre 2018, nabatid na mayroong 32,346 real estate brokers,10,648 real estate appraisers, 226 real estate consultants at 15,375 real estate salespersons sa bansa.

Ayon naman sa Department of Trade and Industry (DTI), abot sa anim na milyong bahay ang kailangan sa taon 2030.

242

Related posts

Leave a Comment