(NI BETH JULIAN)
UNTI-UNTI nang natutugunan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kakulangan ng mga construction skilled workers para sa Build Build Build Infrastructure projects ng bansa.
Nitong Miyerkoles, tinanggap ni TESDA Director General Secretary Isidro Lapena sa TESDA Office sa Taguig City ang may 37 mula sa kabuuang 45 construction skilled workers mula sa lalawigan ng Capiz na itatalaga sa mga Build Build Build projects ng gobyerno.
Ang nasabing mga manggagawa ang ikalawang batch mula sa kabuuang 166 skilled indibidwal mula sa Capiz, na direktang ni-recruit ng D.M. Consunji, Inc. (DMCI), isa sa mga pangunahing construction companies sa Pilipinas , sa isinakatuparang TESDA-initiated Special Recruitment Activity (SRA) na idinaos noong Pebrero 9 at 10 sa Capiz.
“We welcome our new addition to the country’s human resource pool. This affirms TESDA’s commitment to provide skilled construction workers to complement the labor force requirements of the Build Build Build program of the administration,” ani Lapeña.
Ang SRA ay isang stratehiya na ginagamit ng TESDA upang matulungan ang mga mangagawa na mahanapan ng employers mula sa kinaukulang industriya . Madali itong iorganisa kaysa job fairs, ang SRA ay nilalahukan ng maliit na bilang ng mga employers at nagbubunga ng magandang bilang ng hired-on-the-spot personnel.
224