TRANSPARENCY, ACCOUNTABILITY HIRIT SA P500-B MIF FUND

LALONG nanganganib ang P500 billion na magiging pondo ng Maharlika Investment Fund (MIF) dahil sa pinalawig na kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kawalan ng responsibilidad ng mga taong itatalaga niya na mamahala sa nasabing pondo ng bayan.

Ito ang kinatatakutan ni House deputy minority leader France Castro kaugnay ng bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF law kung saan binigyan ng kapangyarihan si Marcos na pumili ng mga magiging board of directors ng Maharlika Investment Corp. (MIC).

Ayon sa mambabatas, patunay lamang ang bagong probisyong ito sa IRR na si Marcos ang masusunod kung papaano gagastusin at ilalagak ang pondo ng MIF at posibleng ito rin aniya ang dahilan kaya sinuspinde ang IRR noong Oktubre dahil limitado ang kapangyarihan ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Jr.

“The revised IRR of the Maharlika Investment Fund also raises alarm as it reduces the specific responsibilities of the audit and risk management committees and lowers the educational and professional experience requirements for top positions within the fund company,” ayon pa kay Castro.

Nangangahulugan lamang aniya na kahit sino ay puwedeng italaga ni Marcos bilang MIC board of directors at ang nakakatakot pa aniya sa lahat hindi sila puwedeng pakialaman kaya walang pananagutan ang mga ito.

“The Filipino people deserve transparency, accountability, and the protection of their hard-earned funds. Our position stands that the Maharlika Investment Fund law should be junked but we will still vigilantly monitor the developments surrounding the Maharlika Fund and advocate for the best interests of the people,” ayon pa kay Castro.

Subalit kung si House ways and means committee chairman Joey Salceda ang tatanungin, nararapat lamang na magkaroon ng kapangyarihan ang Pangulo na mamili ng mga pinagkakatiwalaan niyang mamamahala sa MIF.

“The autonomy of the MIC Board allows for more objective and effective decision-making, free from undue political influence. This is crucial in overseeing a fund of this magnitude, which is pivotal to our nation’s economic growth,” ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez.

Nitong Sabado, inilabas ng Malakanyang ang revised o binagong implementing rules and regulations (IRR) ng MIF Act.

Kabilang sa mga pinaka-kapansin-pansin sa binagong IRR ng MIF law ay bigyan ng kapangyarihan at karapatan ang Pangulo na tumanggap o tanggihan ang nominado na isinumite ng Maharlika Investment Corp.’s (MIC) Advisory Body para sa posisyon ng pagka-pangulo at chief executive officer (PCEO), regular, at independent directors ng MIC Board.

Nakasaad sa Seksyon 30 ng revised IRR ng MIF law na “the President may either accept or reject the recommendation of the Advisory Board: and, provided, finally, that, the President may require the Advisory Body to submit additional names of nominees.”

Nakasaad pa rin sa kaparehong seksyon na dapat na magsumite ang Advisory Body sa Office of the President ng listahan ng mga bakanteng regular at independent directors at PCEP positions.
Sa naunang bersyon ng IRR, limitado ang gagawing pagpili ng Pangulo kung sino ang kanyang itatalaga sa MIC Board na inilista ng Advisory Body.

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment