NAKABAWI at nakabangon si Pangulong Rodrigo Duterte sa trust and approval ratings ngayong Disyembre matapos sumadsad noong Setyembre, ayon sa latest survey na inilabas ng private pollster na Pulse Asia.
Tumaas ng siyam na porsyento ang approval rating ni Duterte sa 87 mula sa 78 porsiyento noong Setyembre kung saan mas maraming indibidwal mula sa Luzon, hindi kasama ang Metro Manila, at class ABC, ang nagpahayag ng pag-sang-ayon sa Pangulo.
Tumaas din ang trust rating ni Duterte mula 74 porsiyento sa 83
Mas marami rin sa Luzon sa labas ng Metro Manila at sa class ABC ang tiwala sa Pangulo.
Tanging limang porsiyento ang hindi sang-ayon sa Pangulo at anim na porsiyento lamang ang walang tiwala.
Mataas din ang trust at approval rating nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Tumaas naman sa 16 porsiyento ang approval ni Cayetano, pinakamataas sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno.
160