TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG TUMAAS

angatdam12

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAS mataas na sa kritikal level ang antas ng tubig sa Angat Dam matapos ang tuluy-tuloy na pag ulan na dala ng Bagyong Falcon.

Sa tala ngayong araw ng ala 6:00 ng umaga, umakyat na sa 160.16 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 158.29 meters nitong Huwebes ng umaga.

Umaray ang ilang konsumer noong mga nakaraang araw dahil sa halos 19- oras na water interruption ang ipinatupad ng Maynilad at Manila Water

Nagpaalala naman ang National Water Resources Board (NWRB) na mag-ipon pa rin ng tubig ang mga residente hanggang sa tuluyan ng makarecover ang Angat dam.

Tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo dam mula 100.43 meters umakyat na ito sa 100.93 meters, maging ang La Mesa dam 72.27 meter sa 73.09 meters.

Gayundin ang Ambuklao mula 742.22 meters tumaas ito sa 743.11. Ang Binga dam  ay tumaas sa 568.34 mula sa 567.92. Mula naman sa 188.91 meters tumaas sa 189.02 ang Pantabangan dam.

Tumaas din ang antas ng tubig sa Magat dam mula sa 180.36 meters umangat ito sa 180.60 meters at ang Caliraya dam mula sa 286.62 naging 286.35 meters.

174

Related posts

Leave a Comment