TUBIG SA ANGAT DAM UMAKYAT NA SA ‘CRITICAL LEVEL’

angatdam12

(NI KIKO CUETO

POSIBLENG umakyat na sa above critical level ang tubig sa Angat Dam sa Bulacan.

Ito ay dahil na rin sa sunud-sunod na buhos ng malakas na ulan sa Central Luzon, Metro Manila at sa norte.

Sa pinakahuling tala ng hydrology department ng Pagasa, lumabas na alas-6:00 ng umaga ngayong Lunes, naitala ang lebel ng tubig sa dam sa 159.85 meters.

Mas mataas ito sa naitalang 158.64 meters ng Sabado ng alas- 6:00 ng umaga.

Nasa 160 meters ang critical level ng Angat.

“For the past 24 hours, tumaas ito ng 1.21 meters,” sabi ni Aileen Abelardo, hydrologist ng Pagasa.

Kahapon ay nagkaroon ng yellow rainfall warning sa Angat.

Sinabi naman ni Abelardo na ang La Mesa Dam water level ay tumaas din na nasa 71.76 meters ng alas-6:00 ng umaga ng Lunes.

Mas mataas ito sa 71.5 meters noong Linggo.

Ang Angat Dam at La Mesa Dam ang nagbibigay ng supply sa Metro Manila.

 

132

Related posts

Leave a Comment