18 SA RICE INVESTMENT SCAM KINASUHAN NA

scam12

(NI KIKO CUETO)

KINASUHAN na ang 18 indibidwal na isinasangkot sa rice trading investment scam sa Caraga region at iba pang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ng pulisya na modus umano ng FRX Rice Trading Investment ang mangako  na magiging triple ang perang pinuhunan ng mga miyembro nito.

Ayon kay Police Major Gen. Amador Corpus, hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, nahaharap ang tatlong founder ng kumpanya at 15 iba pa sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code.

Matatandaan na noong nagdaang linggo, nakumpiska ng awtoridad ang P23 milyong cash na nakasilid sa mga plastik na kahon, mga counting machine, at log book sa safehouse ng kumpanya sa Nasipit, Agusan del Sur.

Walang naaresto sa nasabing safe house dahil nakatunog umano ang mga empleyado nito.

 

83

Related posts

Leave a Comment