TUGADE, DEGRA NASA ‘HOT WATER’ DAHIL SA PUJ MODERNIZATION SCAM

Tugade-Delgra

Nabatid ng Saksi Ngayon online na mistulang nakasalang ang mga pinuno ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ‘hot water’ nang kumalat sa kani-kanilang ahensya na sangkot sila sa tinatawag na “public utility vehicle modernization scam.”

Nakaladkad at nasalang sa mainit na tubig ang pangalan nina DOTr Secretary Arthur Tugade at LTFRB Chairman Martin Delgra III nang mabanggit ang pangalan ng dalawa ng umano’y sindikato sa industriya ng transportasyon sa panggongolekta ng libu-libong pera para sa paghahanda ng technical survey at road survey.

Ang dalawang sarbey ay sinasabing rekisito umano sa pagsasaayos ng mga dokumento ng upang makasali sa Public Utility Vehicle Modernization Program ang isang nagmamay-ari ng pampublikong sasakayan.

Tahasan itinanggi nina Tugade at Delgra ang paratang.

Ang pagkakasangkot ng dalawa sa nasabing pangangawarta sa mga kawawang tsuper ay nabunyag sa liham na ipinadala umano sa LTFRB ilang araw na ang nakalilipas.

Ang liham ay galing daw sa Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP).

Suportado ito LTOP Board Resolution No. 10-24/2018.

Ayon sa liham, tinukoy umano nina Joseph Abeleda, Robert Bacuyag, at Regevie Capalac na sina Tugade at Delgra ang ‘ninong’ sa  modernization program para sa mga pampublikong sasakyan.

Dating kasapi ng LTOP si Abeleda.

Idiniin nina Tugade at Delgra na kilala nilang dalawa sina Abeleda, Bacuyag, at Capalac.

Isiniwalat din ng LTOP na ang pangkat ni Abeleda ay pangalan nina Tugade at Delgra ang gamit sa pagkolekta ng “payola” na multimilyon ang halaga mula sa mga transport group.

Dinadala raw ang pera sa mismong tanggapan nina Tugade at Delgra.

Inaalam pa ng Saksi Ngayon kung nakarating na ang kontrobersya sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte o hindi.

292

Related posts

Leave a Comment