(NI BERNARD TAGUINOD)
ISANG paraan para mabawasan ang poverty o kahirapan sa bansa ay tulungan ang mga magsasaka sa bansa para tumaas ang produksyon at kita.
Ito ang dahilan kaya iginiit ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na bigyang prayoridad ang pagtulong sa mga magsasaka sa bansa.
“If we want to reduce poverty, we need to find ways on how to increasethe Filipino farmers’ income. We need to accelerate agricultural productivity, but this must translate to bigger take-home pay for those who till the soil,” ani Romualdez.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil target aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ng kahit kalahati ang mga mahihirap sa bansa sa kasalukuyan.
“We all know the main problems in Philippine agriculture: lack of capital, lack of labor and the low yield. If we can address these issues, we can help President Duterte put agriculture back in the national development plan and ensure an exponential increase infarmers’ income,” ani Romualdez.
Mahalaga aniya ang papel ng mga magsasaka sa national development kaya nararapat lamang umano na ibigay ang lahat ng tulong na kailangan ng mga ito dahil kung dadami ang kanilang produksyon ay makikinabang din ang mga consumers.
Nangangahulugan kasi aniya na kapag marami ang supply ay mas mababa ang presyo ng mga produktong agrikultura at dadami ang mga bibili kaya lalaki ang kita ng mga magsasaka.
“If Congress can enact laws supporting agriculture, we can sustain the economic growth and make it beneficial to the ordinary man,” ayon pa sa mambabatas.
184