TUTULONG SA 250-K BATANG LANSANGAN BIBIGYAN NG INSENTIBO 

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAABOT na sa 250,000 ang bilang umano ng mga batang lansangan sa buong bansa na pakalat kalat sa mga kalsada.

Ito ang nagtulak kay Batangas Rep. Vilma Santos-Recto  para ihain ang House Bill (HB) 4363 o ‘Street Children Act’ upang matulungan umano ng gobyerno ang mga batang ito.

Ayon sa mambabatas, kung ang Council for the Welfare of Children (CWC) ang pagbabasehan, umaabot sa 250,000 ang streetchildren sa Pilipinas ngayon subalit may kutob ito na posibleng mas marami  pa sila sa kasalukuyan.

Tungkulin ng gobyerno na proteksyunan ang mga kabataan at marami na ang batas na naipasa at naipatutupad na ngayon kaya protektado na ang mga ito.

“However, the inadequacy of our law becomes apparent in the case of street children, which continue to be large societal blot in our efforts to safeguards the welfare of the youth,” ani Santos-Recto sa kanyang panukala.

Dahil dito, nais ni Santos-Recto na umakto na ang gobyerno na magulang ng mga batang ito upang maialis na sa lansangan at maalagaan ang mga ito.

Sa pamamagitan ng panukalang batas, mapoproteksyunan aniya ang mga kabataan sa lahat ng uri ng panganib na kanilang isinusulong habang nasa lansangan ang mga ito at mapangalaan ang kanilang kalusugan.

Nais ni Santos-Recto na ang mga Barangay Council ang tumayong magulang ng mga batang ito at sa tulong ng mga pribadong sektor lalo na ang sektor ng pagnenegosyo upang tulungan ang mga bata.

Bibigyan umano ng insentibo ang mga pribadong sektor tulad ng mga non-government organization at korporasyon  na tutulong sa mga barangay council sa pangangalaga, pagbibigay ng edukasyon, pagtatayo ng pasailidad sa mga batang ito kapag naipasa ang nasabing panukala.

“We cannot allow the sad plight of our street children to continue. Hence, the immediate  passage of this bill is earnestly sought,” ayon pa kay Santos-Recto.

 

1025

Related posts

Leave a Comment