MLA WATER: ‘ONE TIME BILL WAIVER’ SA CONSUMERS SA MARSO

manila water12

LIBRE sa water bill ng mga apektadong consumers ng Manila Water.

Sinabi ng Manila Water na hindi sisingilin para sa water consumption sa buong buwan ng Marso ang mga apektado ng kawalan ng supply ng tubig partikular sa East Zone.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Manila Water at CEO Ferdinand dela Cruz na magpapatupad sila ng “one-time bill waiver scheme” kasunod ng service interruptions na nakaapekto sa ilang lugar sa Metro Manila at probinsya ng Rizal kamakailan.

Ayon kay Dela Cruz, magre-reflect ang bill waiver scheme na ito sa April bill ng kanilang mga customers.

Ang magiging impact aniya nang pag-waive nila sa minimum charge ay nasa P150 million, pero posibleng madagdagan pa.

Matatandaang nagkagulatan ang mga consumer ng Manila Water nang biglang mawalan ng tubig nang walang abiso ang water concessionaire dahilan para magpanic ang mga ito sa mahigit isang linggong walang tubig sa gripo.

Sinabi ng Manila Water na ang mababang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ang dahilan ng kawalan ng supply bagay na itinanggi ng Palasyo dahil mismanagement umano ang nagaganap.

Nagkaroon lamang ng tubig nang pumagitna na si Pangulong Rodrigo Duterte at utusan ang MWSS at Manila Water na ayusin at bigyan ng tubig ang apektadong consumer.

91

Related posts

Leave a Comment