UMENTO NG MGA GURO KUMPIYANSANG MAIPAPASA

SEN DRILON-1

(NI NOEL ABUEL)

KUMPIYANSA si Senador Franklin Drilon na maipapasa na ang panukalang madagdagan ang sahod ng mga guro sa buong bansa.

Idinagdag ni Drilon na maraming senador ang nagtutulak na madagdagan ang sahod ng mga guro ngayong pagpasok ng 18th Congress.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 19, sinabi ni Drilon na nais nitong gawing P30,000 ang kada buwang sahod ng mga public school teachers mula sa kasalukuyang P20,754 na sahod na tinatanggap ng mga Teacher 1.

“We should provide teachers with the right incentives to encourage them to remain in the noblest profession of educating and molding our youth to become productive citizens of this country,” ani Drilon.

Hamon pa ni Drilon na kung totoong pinapahalagahan ng gobyerno ang taumbayan ay dapat na mag-invest sa mga ito.

“If we truly care about our country and its people, it would serve us well to invest in them. Devoting resources for their benefit means investing in our future,” ayon pa kay Drilon.

Sakop din ng panukala ng senador na gawing P31,000 ang minimum basic salary na tinatanggap ngga bagong guro sa state universities and college.

139

Related posts

Leave a Comment