SOLO PARENT SA QC MAY 20% DISKWENTO SA RESTO

solo

(NI ABBY MENDOZA)

MAGANDANG balita sa mga solo parent sa Quezon City.

Maaari nang makakuha ng 20% discount sa mga restaurant sa lungsod tuwing una at huling linggo ng kada buwan.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang diskuwento ay batay sa QC Ordinance No 2766 na nakaangkla sa Republic Act 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000 na naglalayong tulungan ang mga single parent sa kanilang gastusin.

Ang 20% diskuwento sa restuarant bill na hindi lalagpas sa P2,000 ay maaaring makuha ng mga solo parents pamamagitan ng pagpipresinta ng kanilang solo parent ID na maaaring makuha sa Quezon City Social Services Development Department.

Umapela naman si BElmonte sa mga restaurant na huwag ipagkait ang diskuento upang hindi maireklamo.

4

Related posts

Leave a Comment