(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)
Pasakit ngayon sa mga motorista lalo na ang mga drayber ng pampublikong sasakyan dahil nagpatupad ng “big time oil price hike” sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo bukas, ( Enero 15).
Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell ,Caltex /Chevron at PTT Philippines ang paglalabas ng abiso na may dagdag presyo na P1.40 kada litro ng gasolina, P2.30 kada litro ng diesel, at P2.00 kada litro sa kerosene na epektibo ngayong alas-6: 00 ng umaga.
Inaasahang susunod naman ang ilang malalaking kompanya ng langis na kabilang sa tinaguriang “Big 3” oil companies sa bansa tulad ng Petron Corporation gayundin ang mga malilit na oil companies sa bansa na magpatupad ng big time oil price hike sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Nilinaw naman ng pamunuan ng kompanyang Pilipinas Shell na ang ipinatupad nilang dagdag presyo sa Kalakhang Maynila ay hindi pa kabilang ang mas mataas na fuel excise tax.
139