BOMB PLOT PALPAK; 5 TERORISTA LAGLAG

bomb

(NI JESSE KABEL)
NAPIGILAN ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at Philippine National Police ang planong pagpapasabog sa ilang urban areas sa Sultan Kudarat matapos makumpiska ang mga inihandang high powered improvised explosive devices Sabado ng umaga sa sinagawang pagsalakay sa Barangay Damakling.

Ayon kay Lt. Col. Harold M Cabunoc, Commanding Officer, ng 33rdInfantry (Makabayan) Battalion, bandang alas 5:00 ng umaga pinasimulan ng kanyang unit ang ikinasang counter-terrorist operations matapos makumpirma ang kinalalagyan ng mga bomba sa bayan ng Pagalad .

“Our informant showed us the pictures of terrorist bombers Ustadz Yasser Saligan and his cohort, Sheik Makakena a.k.a. Abu Jihad as they detonated a bomb to test its lethality. We had been tracking the suspects since November 2018,” ani Cabunoc.

Nabatid na nagkubli sa kadiliman ang pinagsanib puwersa ng 33rdInfantry Battalion, 4th Special Action Battalion, Criminal Investigation and Detection Group-ARMM at Maguindanao Provincial Police Office, bandang alas 3:00 ng madaling araw ay sinimulang gapangin ang kuta ng mga terorista.

Lima tao ang nadakip nang masopresa sa biglang pagsulpot ng mga sundalo at PNP SAF commandos. Dito nakumpiska ang apat na improvised bombs at tatlong caliber .45 M1911AI pistol sa mga suspek.

Samantala, tinutugis pa ang dalawang pangunahing suspek na sina Abu Jihad at Ustadz Yasser, na lumundag sa maputik na tubigan sa Liguasan Marsh nang maramdamang ang presensiya ng mga sundalo sa paligid.

4

Related posts

Leave a Comment