UNIVERSAL HEALTH CARE ACT BIYAYA SA MAHIHIRAP

poor

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI na magse-self medication ang mga Filipino lalo na ang mga mahihirap matapos maging batas ang Universal Health Care Act kung saan otomatikong miyembro na ang lahat ng mga Filipino sa Philhealth.

Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, marami sa mga Filipino ng walang kakayahang pagpakonsulta at magpagamot dahil sa kahirapan kaya kapag may nararamdaman sa kanilang katawan ay nagseself-medication na lamang..

“Maraming mga Pilipino ang tinitiis na lang ang karamdaman, o kaya’y kung anu-anong ang ginagawa na wala namang basehan sa medisina o siyensiya (self-medication) dahil kapos sila sa perang pambayad sa doctor,” ani Salo.

Ginagawa aniya ng mga tao lalo na ang mga mahihirap dahil walang kakayahan ang mga itong magbayad sa konsultasyon sa doktor upang malaman kung ano ang sakit ng mga ito at anong ang tamang gamot na dapat nilang inumin.

“Iyan ang nilulunasan ngayong ng Universal Health Care,” ayon pa sa mambabatas dahil kapag may nararamdaman hindi maganda sa katawan ay maaari na silang dumiretso sa hospital para magpakonsulta kung ano ang kanilang karamdaman at mabibigyan na rin ang mga ito ng tamang gamot.

Sa ilalim ng nasabing batas, lahat ng mga Filipino, nagbabayad man ng kontribusyon sa Philhealth ay otomatikong miyembro na ng health insurance na ito kaya wala na umanong dapat alalahanin ang mga tao lalo na ang mga mahihirap kapag nagkaroon ang mga ito ng sakit.

“Peace of mind. Iyan ang regalo ng gobyerno, partikular ng Kongreso at ni Pangulong Duterte, sa lahat ng Pilipino. Kapag may lagnat ka, ang asawa mo, magulang mo, o anak mo, kahit wala kang pera punta na agad sa ospital o pagamutan dahil doon ay mayroon kang PhilHealth coverage,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, umaasa ang mambabatas na magiging blockbuster na ang mga government hospitals sa buong bansa dahil dadami na ang mga magpapakonsulta lalo na yung mga mahihirap na tinitiniis lang ang nararamdaman dahil sa kahirapan.

Upang mapakinabangan aniya ang batas na ito, sinabi ni Salo na palaganapin ang balitang ito sa pamamagitan ng mga local government units (LGUs) at mga health workers lalo na sa mga liblib na lugar.

 

 

 

 

207

Related posts

Leave a Comment