US NAG-DONATE NG BAGONG ARMAS SA PHIL ARMY

ph3

(NI JESSE KABEL)

MAY mga bagong sandatang pandigma ngayon ang Philippine Army na binigay ng U.S government bukod pa sa mga bagong small artillery na binili naman ng Hukbo sa Amerika.

Kinumpirma ni   Army Spokesperson Lt Col. Demy Zagala, na nakarating na sa kanila ang mga bagong armas na donasyong ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Ayon kay Zagala,may  80 mga bagong assault rifles ang ipinamahagi sa ng Philippine Army sa kanilang tropa sa pamamagitan ng isang US grant.

Bukod sa mga pinagkaloob na mga assault rifles ay bumili rin ang Philippine Army ng 44 mortars mula sa Estados Unidos.

Paglilinaw ni Zagala ang nasabing procurement ay bahagi pa rin ng patuloy na pag-upgrade at pag-modernize sa kanilang combat capability.

Naniniwala si Zagala na malaking tulong ang mga donasyong armas at mortars para ma-improve pa ang combat performance ng mga sundalo.

“The Philippine Army expresses its gratitude to the U.S. government in granting the assault rifles that will greatly improve the fighting capability,” pahayag naman ni Army chief Lt Gen. Macairog  Alberto.

Samantala sa report na nakarating sa tanggapan ni Ltgen Alberto nasa 150 na ang bilang ng mga miyembro ng Maute-ISIS group ang boluntaryong sumuko sa militar sa Marawi City.

Ayon kay 103rd Infantry “Haribon” Brigade commander Army Col. Romeo Brawner, isinailalim na sa “Returnee Reintegration Program” ang mga sumukong terorista na nagmula sa Butig, Lanao del Sur.

Dala ng mga ito sa kanilang pagsuko ang iba’t ibang klase ng mga baril.

 

110

Related posts

Leave a Comment