US TRAVEL ADVISORY KINUWESTYON NG DILG

travel advisory US12

(NI JESSE KABEL)

KINUWESTYON ni Interior Secretary Eduardo Año kung paano napabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga high risk countries kung saan malaki ang peligro na madukot ang isang banyaga.

Itinanong ni Sec. Año kung paanong napasama ang bansa sa listahan gayong patuloy ang pagbaba ng bilang ng kasong kidnapping nitong mga nakaraang taon.

Pahayag ng DILG, wala umanong kontretong basehan ang US Department of State sa pagsasama sa Pilipinas sa listahan ng mga high-risk countries sa kanilang inilabas na travel advisory bagamat kinikilala nila ang karapatan ng bawat bansa na pangalagaan ang kanilang mamamayan.

May hawak umanong datos ang pamahalaan na makapagpapakita na bumababa ang ganitong mga insidente sa bansa.

Hindi rin aniya malinaw kung paano nabuo ang listahan na inilabas ng Estados Unidos sa likod ng matibay na paninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa kriminalidad sa buong bansa.

Matatandaang naglabas ng listahan ang US Department of State noong April 9 kung saan ibinilang  ang Pilipinas sa 35 bansa na mapanganib umanong puntahan dahil mataas ang panganib na madukot o nasa “K”,  category bagong  risk indicator na ginagamit ngayon hinggil sa peligro ng  kidnapping and/or hostage-taking.

 

90

Related posts

Leave a Comment